Tuesday, May 26, 2009

Aliens Attacks Me Home

Dumating ako ng bahay past 1 in the morning na, napakahirap sumakay pauwi..pagod, antok, sabog na mata ko, buhaghag na ang buhok ko at amoy pawis nako at iisa lang ang gusto kong gawin matulog agad pagdating, tpon ang bag sa sofa, tanggal ng sapatos, medyas, panatalon, t-shirt pati brief hubad nadin tapos dive na sa kama para matulog, antok na antok nako pero may masarap pa na hotdog ng jolibee akong nakikita sa lamesa at mainit na choco drink, ayoko mag patinag, antok na talaga ako...Higa ako tpos wala... tulog na agad..

Natulog ako ng nakahubad, hehe.. walang magrereact..
bakit ba? hmmp...
Matagal na din akong di nananaginip eh kagabi lang ulit..

Para sa isang makulit na panaginip ko kelangan natin ng mga sumusunod:

1. Oven Toaster
2. Tinidor
3. Talong makkukulit na Aliens.

Eto panaginp ko, umuwi ako ng bahay dito sa Valenzuela, tahimik ang paligid, kokonti lang ang mga sasakyan sa kalye, lumulipad ang mga basurang plastic sa daan, mga sinampay na alas kwatro na pero di parin kinukuha ng kapitbahay ko at orange na ang kulay ng kalangiuitan dahil palubog na ang araw. Gutom na gutom ako ng mga oras na un, nag iisip ako ng ano puwde kong kainin.. Syempre di ko palilipasin ang araw na walang kape sa tiyan... so init muna ako ng tubig, timpla, kape, kape, kape..

Naisip ko mag toast ng pandesal para bagay sa kape diba? pansin ko, nung nilalagay ko yung mga pandesal sa toaster, may naririnig akong umiiyak na parang tumatawa, at nagulat nalang ako nang makita ko ang mga pandesal, naging makukulit na Aliens at may nagmamakaawa na wag ko sila ipasok sa loob, may tuwang-tuwa naman at may makulit na nauuntog-untog na sa loob ng toaster, ung isa tusok tusok ko na ng tinodor kaya umiiyak na.

Ano kaya dahilan bakit ganun ang panaginip ko? mahilig pa naman ako sa mga Alien movies., pangarap ko makakita ng Aliens eh, pero may nakapagsabi sakin na may magandang naidudulot yun, meron namang hindi, pwedeng maging swerte o pwede kang mabaliw pag pinasok nila ang isipan mo.. Umandar nanaman ang kakulitan ko ng madaling araw ng magising ako.. Tawa ako ng tawa nung bigla akong nagising, nagtataka ako kung bakit un ang panaginip ko.

Hindi kaya binobosohan ako ng mga Aliens habang hubo't hubad akong natutulog at nagparamdam sila sa panaginip ko? Hehehe.. di ko maintindihan eh..

Sa lahat ng marurunong at sa mga nagdudunong-dunungan dyan na pwedeng magpaliwang ng panaginip ko? Mag comment na... malay nyo kayo naman ang dalawin nila.. Heheh!

No comments:

Post a Comment