Tuesday, May 26, 2009

Tadhanang Mapang-Trip

Anu ba talaga Mc? Gulo mo...

Mainipin nga kasi talaga ako, ayoko ng naka-upo lang sa isang tabi at walang ginagawa.. Sabi nga sa linya ng kanta ni Rico Blanco, "Tadhana'y Merong Tip Na Makapangyarihan"..
Korek! napansin ko napaglaruan yata ako ng tadhana noon.. wala na akong ginawa kundi sumugod at di ko manlang naiisip kung ano ang kahihinatnan ng bawat desisyon ko..Di ko naman pinili na mapahamak sa mga desisyon ko sa buhay.. Umalis ng ako ng Solar Entertainment sa kadahilanang gusto ko kumita ng malaki, makapag-save ng money, kung baga gusto ko naman kahit papano me mangyari din naman sa buhay ko, di lang ung puro aral nalang na editing, composite ng composite sa after effects, mag revise ng mga puro sablay sa editing. makipag tarayan sa mga producers.. Un lang ang gusto ko yung may napapala naman ako para sa ikaka-unlad ng buhay ko.. Hello! ang hirap kitain ng ngayon...

3 Months ako nawala sa Solar Entertainment kahit labag sa kalooban ko, para lang maghanap ng trabaho at kumita ng malaki.. Kung saan-saan ako napunta, apply dito apply duon! napad-pad ulit sa Abs-cbn, mga walang hiya ang kakapal ng mga mukha! Bumalik ako ng CBN Asia para tumanaw kung saan ako nag simula baka nawawala na ako sa direksyon pero may mga "epal" parin!

3rd day ko sa CBN Asia, wala naman akong reklamo sa trabaho, i always give my very best hindi para pabilibin ang mga producers kundi para masabi ko sa sarili ko na kahit ganu kahirap, nagawa ko ng maayos.. Me nag text sakin hindi ko alam kung sino eto " Hi Mcleen, so ur back?.. sa loob ng 2 years na lumabas ka ng CBN hindi na namin alam kung anu ang ngyari sayo at kung anu pinag gagawa mo, kumusta na ang christian life mo? may quite time ka paba? You know it yourself kung karapat-dapat ka pa bumalik dito sa ministry, iniingatan namin ang good testimony ng bawat tao dito".. Wowwww... ayus!

Para akong sinampal.. Sino ang walang sablay sa buhay? Di ko na pinatulan, di ko na kelangan makipag plastikan pa sa mga nanduon.. Alam ko di na talaga ako para duon pero bumalik ako duon di para sa kanila kundi sa ministry pero di ko alam na me mga tao na Self-righteous kung tawagin . Tulad nga ng sinabi ng kasama naming editor "And pagiging Christiano hindi yan tulad ng Jersey na isusuot mo lang pag may laro at huhubarin mo rin pagkatapos." Hay, alam mo kung sino ka kapatid, ang Diyos nalang ang bahala sayo, pakasaya ka cubicle mo..

Hahaha.. Trip..trip..trip... pag wala kang trabaho ang hirap kumilos pakiramdam mo wala ka ng mahanap ng trabaho.. Ngayon may trabaho na ako ulit, nagsulputan nanaman ang mga offers na di inaasahan.. haha nakakabaliw! ang hirap mag-decide! baka naman pag-tripan nanaman ako ng tadhana.. Naku..mahirap na!

Ang natutunan ko ngayon e ang maging kontento kung ano merong trabaho ka, maliit o malaki man ang sweldo.. mas ok na na mapagod at isubsob ko sarili ko sa trabaho kesa walang trabaho at tambay lang, mas mahirap yata yun..

Salamat parin sa Diyos na kahit sa malulupit na sapak ng tadhana sakin, di ako pinababayaan.. Akala ko kinalimutan na nya ako eh..

Balik Solar Entertainment na ako, dating editor ng Jack Tv, ngaun editor na ng Sci Fi at parang pipiratahin ulit ng Jack, heheh! Salamat sa mga mababait ng tao ng Solar, lalo na sa mga AVID boys, the best... Ayoko ng mawalan ng trabaho dahil lang sa pabigla-bigalang desisyon!

Kontento na ako sa anung meron ako ngayun.. Thank you God!

Cge...trabaho na ako.. nood kayo bukas boxing sa araneta. Live sa Solar Sports, Telecast sa Gma7. The Flash and the Furious!!! Hala sapakan na!

Pahabol... "Mga taga -iPost ng ABS, mga Epal kayong lahat!"

No comments:

Post a Comment