Way back 2001, sinimulan kong career-rin ang pagiging guitarista since lumaki ako sa church sa pagiging drummer.. The first time na makita ko ang "Heartcry Band"...un din ang una na nakita ako ng guitaristang nagpatulo ng laway ko, sa galing nya sobra, nkita ko ang sarili ko na wala talaga ako sa kalingkingan nya, in short gusto kong maging katulad nya. May incident pa nga na nag cover kmi ng kanta sa album nila sa isang church, may adlib ung kanta na un at syempre todo sepra ako para matugtog ko ng maayos, wala akong distortion pedal nun, chorus pedal lang, imagine kung ano tunog nun malayong-malayo sa orig.. To make the long story short "sablay ang tugtugan namin".. di ko ine-expect pag baba ko, nkita ko ung guitarista ng kanta na yun, kinamayan pako sabi "Nice Bro".. Hahaha, yun na ang pinaka embarrassing moment ko kase alam ko npahiya talaga ako pero, feeling ko sinabotahe ko yung kanta nila but i dont take it para madiscourage ako..
In my mind, gusto ko talagang maging tulad nya. Dumating ang time na naging ka close ko ang Heartcry Band after kong lumipat sa church nila. Dun ako nagkaroon ng pagkakataon na makasama ang mga taong dugong musikero talaga,mula umaga hanggang gabi music ang pinag uusapan. Naging member na din ako ng Heartcry, kami ang 2nd generation.Dun ako nagkaroon ng pagkakataon na maksama si Kuya Eric, nagkasma din kami sa isang recording album.
Everybody can play a guitar, kahit sino pwede matututo.. What I really thank for kay Kuya Eric is di man ganun kalalim at katagal ang pinagsamahan namin, sa kanya ko nakita ang disiplina ng isang gitarista, not only playing the guitar skillfully but playing and enjoying the music, sabi pa nga nya pag practice time, "focus on practice" at pag nasa stage na "enjoy the music". Malaking impluwensya sya saken hanggang sa ngayun, di ako ganito kung di dahil sa kanya, simple guitar licks, simpleng payo, simpleng tutorials na malaki ang naitulong sakin. Maraming salamat Master Eric at lalong lalo na sa totoong Master sa taas! "Jesus" we owe it all to HIM.
Eric Cruz is a versatile artist, pure blooded rakista. "My Mentor ; My Guitar Master"..
Tuesday, May 26, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment